Wikang Filipino / filipino

Tutulungan ka ng Sanggunian sa Batas WA (Legal Aid WA) unawain ang iyong mga problemang legal at maghahanap ng mga paraan sa paglutas ng mga ito.

Ang paraan ng aming pagtulong sa iyo ay mababatay sa iyong problemang legal, personal  na kalagayan, at aming mga mapagkukunan (resources).

Anu-ano ang mga serbisyo ng Sanggunian sa Batas (Legal Aid)?

  • Walang bayad na impormasyon, mga mapagkukunan at mga pagbabalita na nasa aming website.
  • Numero ng Telepono ng Linyang Pang-Impormasyon (Infoline) – 1300 650 579.
  • Tipanan (appointment) para sa payo tungkol sa batas at tulong tungkol sa mga problema kasama na ang mga:
    • demandang kriminal
    • alitan sa pamilya, aplikasyon para sa sustento, pangangalaga at proteksyon ng bata
    • kautusan ng pagpigil (restraining order)
    • problema ng mamimili, pagkakautang, problema tungkol sa trabaho, legal na paghirang ng  isang tagagawa ng desisyon para sa isang adulto na hindi na kayang gumawa ng matuwid na pagpapasiya tungkol sa kanyang kalusugan at uri ng buhay (guardianship) at sa kanyang mga pinansyal at legal na pananagutan (administration) dahil sa karamdaman o kapansanang pangkaisipan, paghahabol  sa seguro (insurance claim),  pagod ng isip dahil sa mortgage, pinsala sa sasakyang de motor, paseguruhang panlipunan (social security), at bayad-pinsala para sa mga biktima ng krimen.
  • Serbisyo ng nanunungkulang abogado (duty lawyer) para sa payo at tulong sa Hukuman ng Mahistrado, Hukuman ng mga Bata at Hukuman ng Pamilya. Ang aming nanunungkulang abogado ay hindi maaaring kumatawan para sa iyo sa paglilitis sa korte.
  • Patuloy na ginagawang pagkakatawan ng isang abogadong  may pondong pantulong.
  • Mga mapagkukunan ng edukasyong  tungkol sa batas para sa mga grupong pangkomunidad at publiko.

logo for interpreters

Paano na kung kailangan ko ng tagapagsalin (interpreter)?

Ginagawa namin ang lubos ng aming kaya upang tulungan ang mga taong nahihirapang magsalita o umunawa ng Ingles. Kung mas magugustuhan mong magsalita ng ibang wika, maaari kaming mag-areglo ng tagapagsalin para makatulong.  

Kapag tumawag ka sa Infoline o pumunta sa isa sa aming mga tanggapan, sabihin mo sa amin ang wikang sinasalita mo. Maglalaan kami ng tagapagsalin at panahon para makausap mo kami tungkol sa iyong problemang legal na gamit ang tagapagsalin. 

Kung nais mong gumamit ng tagapagsalin sa isang tipanan, pakipaalam sa amin sa panahon na ginagawa mo ang tipanan. 

Kung dadalo ka sa korte, maaari mong kontakin ang korte at hilingan silang kumuha ng tagapagsalin para sa iyo. Kung nasa korte ka at walang tagapagsalin doon, tanungin mo ang aming serbisyo ng nanunukulang abogado kung matutulungan ka nila sa korte sa pagpapaliban ng iyong usapin sa ibang araw at humiling ka na ng tagapagsalin para sa araw na iyon.

Kontakin kami

Ang Infoline ay maaaring tawagan Lunes hanggang Biyernes mula 9.00 nu hanggang 4.00 nh (WST) – telepono 1300 650 579.

Ang aming punong tanggapan ay nasa 32 St Georges Terrace, Perth.  Mayroon din kaming mga tanggapan sa mga malalaking pangrehiyong sentro.

 

Need help?

The Infoline can give information about the law and our services to help with your legal problem.

Disclaimer

The information displayed on this page is provided for information purposes only and does not constitute legal advice. If you have a legal problem, you should see a lawyer. Legal Aid Western Australia aims to provide information that is accurate, however does not accept responsibility for any errors or omissions in the information provided on this page or incorporated into it by reference.