Wikang Tagalog / Tagalog

Ang Legal Aid WA ay tumutulong sa iyo na maunawaan ang iyong mga legal na problema at humahanap ng mga paraan sa paglutas ng mga ito.

Kung paano kami makatutulong ay babatay sa iyong legal na problema, personal na sitwasyon, at sa aming mga kaparaanan.

Anu-ano ang mga serbisyo ng Legal Aid WA?

  • Libreng impormasyon, mga kaparaanan at publikasyon na makukuha mula sa aming website.
  • Numero ng telepono para sa Infoline – 1300 650 579
  • Mga appointment para sa legal na payo at tulong tungkol sa mga problema kabilang ang:
    • mga paratang na kriminal
    • mga alitan sa pamilya, suporta sa anak, mga aplikasyon sa pangangalaga at proteksyon 
    • Mga kautusang-pampigil
    • Mga isyu ng mamimili, mga utang, mga problema sa trabaho, guardianship (pag-aalaga) at administrasyon, mga kahilingang pang-seguro, tindi ng alalahanin sa mortgage, pinsala sa propyedad na sasakyan, social security (tulong-pinansyal ng pamahalaan), at bayad-pinsala para sa mga biktima ng krimen.
  • Isang nakatokang abogado para sa payo at tulong sa Korte ng Mahistrado, Korte para sa mga Bata, at Korte para sa Pamilya.  Ang aming mga nakatokang abogado ay hindi mangangatawan sa iyo sa oras ng paglilitis.
  • Patuluy-tuloy na pangangatawan mula sa isang abogado sa ilalim ng isang kaloob na tulong. 
  • Mga pambatas na edukasyong kaparaanan para sa mga grupong pangkomunidad at sa publiko.

logo for interpreters

Paano kung kailangan ko ng isang interpreter (pasalitang tagasalin sa wika)?

Ginagawa namin ang aming makakaya upang tulungan ang mga taong nahihirapang magsalita o umunawa ng Ingles. Kung mas gusto mong magsalita sa ibang wika, makapag-aayos kami ng isang interpreter na tutulong.

Kapag tumawag ka sa infoline, o nagpunta ka sa isa sa aming mga opisina, sabihin mo kung anong wika ang iyong ginagamit. Kami ay magsasaayos ng isang interpreter at gagawa ng oras para sa iyo upang makipag-usap sa amin tungkol sa iyong legal na problema gamit ang interpreter.

Kung nais mong gumamit ng isang interpreter sa isang appointment, sabihin lamang ito sa amin sa oras ng paggawa mo ng appointment.

Kung ikaw ay haharap sa korte, maaari mong kontakin ang korte at hilinging mag-ayos sila ng isang interpreter para sa iyo. Kung ikaw ay nasa korte at walang interpreter doon, hilingin mo sa serbisyo ng nakatokang abogado kung sila ay makatutulong sa iyo sa korte upang ipagpaliban sa ibang araw ang iyong kaso at hilinging magkaroon sa susunod ng isang interpreter doon.

Kontakin kami

Ang Infoline ay bukas sa mga araw ng negosyo mula 9.00nu hanggang 4.00nh (WST) – telepono 1300 650 579.

Ang aming punong-tanggapan ay nasa 32 St Georges Terrace, Perth.  Mayroon din kaming mga opisina sa malalaking sentrong pangrehiyon.

 

Need help?

The Infoline can give information about the law and our services to help with your legal problem.

Disclaimer

The information displayed on this page is provided for information purposes only and does not constitute legal advice. If you have a legal problem, you should see a lawyer. Legal Aid Western Australia aims to provide information that is accurate, however does not accept responsibility for any errors or omissions in the information provided on this page or incorporated into it by reference.